KUMBINSIDO ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa magandang epekto ng kanilang information campaign sa mga mag-aaral para sa 2019 elections.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera na approve sa ilang Comelec officials ang kanilang pakikipag-tie up para mabigyan ng tamang kaalaman ang mga kabataan, lalo na ang mga bagong botante, hinggil sa halalan.
Umaasa si De Vera na maganda rin ang magiging epekto nito sa mga kabataan para sa tamang pagpili sa pagboto.
Nauna rito, nabahala ang Comelec sa umano’y posibleng epekto ng mababang bilang ng mga kabataang botante, sa magiging resulta ng eleksiyon.
Comments are closed.