INFODEMIC DRIVE NG PNP VS COVID-19 INILUNSAD

INILUNSAD ng Directorate for Police Community Relations Group sa pamumuno ni Brig.Gen. Rhodel Sermonia ang Infodemic drive o pangmalawakang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa pandemya.

Ayon kay Sermonia, ang Infodemic drive o massive campaign laban sa COVID-19 ay inisyatibo ni PNP Chief Gen. Debold Sinas.

Bahagi ng Infodemic drive campaign ang C.A.R.E. PNP o coronavirus awareness response empowerment na layong magbigay ng impormasyon sa barangay level hinggil sa pag-iingat laban sa COVID-19.

Kasama sa ilalim ng CARE PROGRAM ng PNP ang pagtuturo sa mga kababaihan o mga magulang sa tahanan kung paano gagabayan ang kanilang pamilya para makaiwas sa sakit.

Ituturo ang basic health protocols na siyang unang sandigan ng proteksiyon.

Ang isa pang bahagi ng INFODEMIC ay ang paghikayat na lumahok sa pisikal na aktibidad gaya ng exercises upang maging malakas ang pangangatawan.

Kasama rin sa Infodemic drive ng PNP ang pagbibigay ng tulong ng pulisya sa mga barangay.

EUNICE CELARIO

Comments are closed.