INFORMAL SETTLERS, PINAAALIS SA ‘WATERWAYS’

Secretary Roy Cimatu-5

UMAPELA si  Environment Secretary Roy Cimatu sa hanay ng mga ‘informal settler families (ISFs)’ na naninirahan sa  waterways na magbigay rin ng kanilang ambag sa sarili  para sa Manila Bay rehabilitation at tanggapin na ang alok ng pamahalaan para sa relocation program.

Ayon kay Cimatu, ang relocation ng ISFs sa kasalukuyan ay nagpapa­tuloy para muling maibalik at malinis ang maru­ming sapa at iba pang daluyan ng tubig upang malinis ang makasaysa­yan baybayin na ang nais ng pamahalaan ay mu­ling paglanguyan ngayong Disyembre ng kasaluku­yang taon.

Nagsagawa ng inspeksiyon ang DENR sa Estero de San Antonio Abad sa Malate na ino­okupahan ng may 50 informal settler families.

Ang naturang lugar ay nalinis na sa illegal structure matapos ang 50 pamilya na ninirahan sa naturang lugar ay pumayag na mailipat sa kanilang relo-cation site na pinangasiwaan ng National Housing Authority (NHA) sa Caloocan City sa Tala district,   kung saan nailipat ang may 20 ISFs residente  mula  sa estero sa Manila.

“We would like to appeal to the remaining 20 families to comply with the requirements of the NHA, so that we can already move them to their new location, to a better place. Hindi rito sa ibabaw ng estero,” pahayag pa ni Cimatu.

Ipinagmalaki pa ng DENR secretary na ang fecal coliform level sa naturang estero ay nakamamanghang  bumaba.

“Napakataas ng coliform level nito dati naabot sa 1.3 billion [most probable number per 100 milliliters], pero ngayon umabot na lang sa mga 10 mil-lion [mpn/100ml],” dagdag pa ni Cimatu. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.