INFORMANT NG DAWLAH ISLAMIYA UTAS SA DROGA

DOA

SOUTH COTABATO-DEAD on arrival sa pagamutan  ang isang itinuturong spotter at tipster ng Dawlah Islamiyah- Abu Sayyaf terror group nang makasagupa sa ikinasang counter illegal drug operation ng mga awtoridad sa bayan ng Polomolok ng lalawigang ito.

Ayon kay kay Polomolok PNP deputy chief of police for operations Capt. Rommel Getalia, kinilala ang suspek na si Rolando Compasion ng Prk. 2, Brgy. Rubber sa bayan ng Polomolok .

Batay sa ulat, nanlaban umano ang suspek  matapos ang drug transaction nang matunugan nito na mga pulis na ang kanyang ka-deal kaya napilitan ang raiding team na gumanti na naging sanhi ng kamatayan ni Compasion.

Nagawa pa umanong isugod  sa ospital ang suspek ngunit idineklarang patay na ito ng idating.

Narekober sa suspek ang walong sachet ng pinaniniwalaang

Nabatid na ang suspek umano ang nagbibigay ng tip sa kanyang mga kasama kung saan nakapuwesto ang mga patrol vehicle ng mga pulis at kung saan naka-deploy ang mga awtoridad. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “INFORMANT NG DAWLAH ISLAMIYA UTAS SA DROGA”

  1. 348390 260112As I internet web site possessor I believe the content material matter here is rattling magnificent , appreciate it for your hard work. You ought to maintain it up forever! Very best of luck. 830795

Comments are closed.