INFORMATION CAMPAIGN SA BOMB JOKE ISINUSULONG SA NAIA

PAG-IIBAYUHIN  ng Philippine National Police (PNP) Avsegroup at local airlines ang kanilang isinusulong na information campaign laban sa bomb joke sa mga sasakyan panghimpapawid sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang maiwasan ang kaguluhan o tension sa mga terminal kapag mayroong nagbiro nito, habang nasa loob ng eroplano o kaya sa mga airport.

Ayon kay PNP Avsegroup Director General Jack Wanky pabor siya sa pinaplano ng Civil Aeronautics Board
(CAB) na pag-ibayuhin ang kampanya laban dito, at mahigpit na ipatupad ang direktiba nang sa gayon ay maparusahan ang sino mang magbibiro tungkol sa bomba.

Noong nakaraang taon, walong bomb joke ang kanilang naitala, at talo nitong unang buwan ng taong 2024.

Sa ilalim ng Presidential Decree (PD)1727 o kilala sa tawag na bomb joke, ang pagbibiro nito ay isang criminal offense at may kaakibat na pagkakulong. FROILAN MORALLOS