INFRA INVESTMENTS PANGUNAHING PRAYORIDAD NG ADB

INULIT ng Asian Development Bank (ADB) ang pangako nito na patuloy na susuportahan ang infrastructure deve­lopment sa mga bansa sa Asia-Pacific, kabilang ang Filipinas, na pinaniniwalaang mahalaga para sa pagsusulong ng paglago ng ekonomiya at pagsugpo sa kahirapan.

Inaprubahan ng Board of Directors ng multila­teral development bank ang bagong long-term corporate strategy, ang Stra­tegy 2030, na nagtatakda ng malawak na bisyon at ‘strategic ­response’ nito sa nagbabagong pangangailangan ng Asia and the Pacific.

Ayon sa ADB, ang infrastructure investments ay mananatiling pangunahing  prayoridad nito.

“ADB will play an important role in supporting the global agenda of infrastructure development as a source of global growth. Infrastructure will remain a key priority to promote social and economic development,” pahayag nito sa Strategy 2030 na ipinalabas kahapon.

Bagama’t malaki na ang nagawa ng Asia and the Pacific sa pagbawas ng kahirapan at paglago ng ekonomiya sa nakalipas na 50 taon, ipinaliwanag nito na ang mga isyu tulad ng kahirapan at kahinaan, at malaking infrastructure ay kailangan pa ring tugunan.

“The region still needs considerable resources to fill infrastructure deficits, especially in lagging areas… Poor-quality infrastructure requires urgent attention. In many countries, power outages restrain economic growth and underdeveloped transportation networks restrict the flow of people, goods, and services,” sabi pa ng ADB.

Tinukoy ng bangko ang pinakabagong pagtaya ng ADB na nagsasabing ma­ngangailangan ang Asia and the Pacific na mag-invest ng USD26.2 trillion mula 2016 hanggang 2030, o USD1.7 trillion kada taon para sa imprastraktura, upang ma­panatili ang growth momentum, masugpo ang kahirapan at makatugon sa climate ­change.   PNA

Comments are closed.