INFRA PROJECTS IKALAT SA MGA PROBINSIYA

House Speaker Alan Peter Cayetano

PINATITIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pantay na pamamahagi ng mga proyektong pang-imprastraktura ng administrasyong Duterte sa lahat ng bahagi ng bansa.

Ayon kay Cayetano, hindi lamang dapat sa highly urbanized areas tulad sa Metro Manila, Cebu, Davao at iba pang mauunlad na lugar nakasentro ang mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno.

Aniya, dapat ay makaabot din ang mga proyekto sa mga malalayong lugar at probinsiya.

Siniguro naman ni DPWH Secretary Mark Villar na ang panukalang budget nila sa 2020 na nagkakahalaga ng P534.29 billion ay pantay na ipama-mahagi sa halip na sa traditional growth areas lamang.

Ngayong taon, aniya, ay pinakamalaki ang alokasyon ng imprastraktura sa Mindanao at karamihan sa big ticket projects ay nasa mga probinsiya.

Para naman sa transparency at corruption-free projects, nagmo-monitor na rin ang ahensiya gamit ang geo-tagging technology.

Dito ay malalaman ang progreso o development ng mga proyekto sa pamamagitan ng satellite confirmed photography.  CONDE BATAC

Comments are closed.