INFRA PROJECTS MAG-AANGAT SA KABUHAYAN NG MINDANAOANS

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layunin ng government infrastructure projects ang maiangat ang kabuhahayan ng mga taga-Davao kasabay ng pagkilala sa malaking pagsulong ng rehiyon.

Sa kanyang mensahe sa  distribusyon ng  ayuda sa  mga magsasaka, mangingisda, at pamilya sa Tagum City, sinabi ni Presidente Marcos na magtatrabaho ng double time para matiyak na magbebenepisyo sa mga proyekto.

“Tunay nga pong malaki [na] ang [pinagbago] ng Tagum mula noong huli kong pagbisita dito noong panahon pa noong kampanya. Naging memorable po sa akin ang Unity Caravan na iyon sapagkat napakainit po ang ibinigay ninyong salubong para sa amin. Kaya maraming, maraming salamat po,” ayon pa sa Presidente.

Dagdag pa ng Pangulo na masigasig ang kanyang administrasyon para sa mga proyektong pakikinabangan ng mga mamamayang Pinoy.

“Kasing init at kasing sigasig ng ating kasalukuyang administrasyon sa pagsisikap na ipagpatuloy ang nasimulan at tiyakin na [makikinabang] ang mga mamamayan sa ating mga programa at  ating mga proyekto,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga proyekto ay ang Mawab-Maragusan-Caraga Road, Carmen-Tagum City Coastal Road, Tagum City Bypass Road at Mindanao Railway Project Phase .

Malapit nang matapos ang proyekto at inaasahang bibilis pa ito.

Pinuri rin ng Punong Ehekutibo ang konstruksiyon ng seven-storey Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Apokon, Tagum City para makapagdulot ng quality healthcare at medical services sa rehiyon.

Patapos na rin ang  New Visayas-Tulalian Farm-to-Market Road na mag-i-improve sa  transport ng agricultural products patungong palengke.

Binisita rin ng Pangulo ang Tagum City para sa distribusyon ng P30 million bilang financial assistance sa mga magsasaka at mangingisda  na apektado ng El Nino phenomenon.

Ang pagbisita ni Pangulong Marcos ay bahagi ng programa na ayudahan ang mga probinsya ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.

EVELYN QUIROZ