INFRA PROJECTS NG PINAS IBINIDA

Infrastructure Projects

IBINIDA ng embahada ng Republic of Korea ang mga proyektong pang-imprastruktura ng administrasyong Duterte upang mahikayat ang South Korean companies na tumulong sa ‘Build Build Build’ program ng bansa.

Inilatag nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno sa Korea-Philippines Infrastructure Forum sa Makati City mula sa imbitasyon ng Korean embassy.

“The Korean embassy wanted the DOTr to present to them the infrastructure projects of the department, so various companies from Korea will see where they can contribute or collaborate with us,” pahayag ng DOTr sa pamamagitan ng Communications and Commuter Affairs Office nito.

Umaasa si Kim Hyun Mee, Korean Minister of Land, Infrastructure, and Transport, na lalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng imprastruktura.

“After today, I wish our cooperation in the field of infrastructure would receive a huge boost. I would like to highlight the fel-lowship and training programs for our partners. I heard there is a long traditional ‘pakikisama’. We are bound in blood,” ani Kim.

Sa nasabing forum ay iprinisinta ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga natapos na at isinasagawag proyekto sa iba’t ibang South Korean companies upang mahikayat ang Korean businessmen na mag­hanap ng oportunidad sa Filipinas.

Matapos ang selebras­yon ng 70 taon ng diplomatic ties ng dalawang bansa ay pinasalamatan ni Tugade si South Korean Am-bassador Han Dong-Man para sa kanyang pagsisikap at itinampok ang skills at technological capabilities ng South Korea.

“Let us make these moments of dialogue more meaningful and come out with a firm commitment that we will work together, with the spirit of peace and order, characterized by no corruption, and respecting each other’s sovereignty,” ani Tugade.

Dumalo rin sa forum sina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon, DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, Ci­vil Aviation Authority of the Philippines Director Ge­neral Jim Sydiongco, ­Philippine Coast Guard Commandant Elson Hermogino, at Korean Assistant Minister of Land, Infrastructure and Transport Lee Siong Hai.  PNA