ANG Meralco ay nakikibahagi sa Build, Build, Build programs ng pamahalaan na may pangunahing gampanin na tiyakin na nasa lugar ang network facilities para sa napapanahong konstruksiyon at pagtapos sa major infrastructure projects tulad ng EDSA Common Station, LRT-1 Cavite Extension project, MRT-7, NLEX-SLEX Connector Road, at Skyway Stage 2 project.
Upang suportahan ang Department of Transportation (DOTr) at BF Corporation, ang Meralco ay nagsagawa ng pagreretiro sa anim na poste, at instalasyon at relokasyon ng 22 distribution poles para sa EDSA Common Station na magkakabit sa major railway projects ng Metro Manila, partikular ang LRT-1, MRT-3, at MRT-7.
Iniretiro rin ng kompanya ang isang poste, naglagay ng 6 sub-transmission poles, at inilipat ang 2 115-kV lines sa kahabaan ng Roxas Boulevard malapit sa Redemptorist Road sa Baclaran, Paranaque City para sa nagpapatuloy na konstruksiyon ng LRT-1 Cavite Extension.
Sa sandaling matapos, ang LRT-1 Cavite Extension project ay magdaragdag ng 11.7 kilometro ng railway segment at magpapabilis sa biyahe sa pagitan ng Baclaran at Bacoor, Cavite sa 25 minuto lamang mula sa kasalukuyang dalawang oras.
Alinsunod sa kahilingan ng DOTr at San Miguel Corporation (SMC), iniretiro ng Meralco ang 8 distribution poles at naglagay at nag-relocate ng 20 pa para sa napapanahong pagtapos sa MRT-7, isang 23-kilometer railway project na binubuo ng 14 istasyon mula North Avenue, Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan.
Gayundin ay natapos na ng Meralco ang relocation works para sa NLEX-SLEX Connector Road, partikular ang clearing at relocation ng mga poste at electric facilities sa Antipolo Street mula Dimasalang Street hanggang Dapitan Street sa Sampaloc, Manila.
Ang NLEX-SLEX Connector Road ay isang eight-kilometerelevated expressway project ng NLEX Corp. na magdurugtong sa C3 Road sa Caloocan at sa Skyway Stage 3, patawid sa Espana Boulevard at Sta. Mesa, Manila.
At ang huli ay ipinakita ng Meralco ang buong suporta nito sa Skyway Stage-2, sa pagreretiro ng limang poste, instalasyon at relokasyon ng 11 sub-transmission poles, at rerouting ng 647-meter 115-kV line.
Sa sandaling matapos, ang naturang mga proyektong pang-imprastruktura ay inaasahang magpapaganda sa buhay ng mga Filipino commuter at magtutulak sa pag-unlad ng ekonomiya hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga kalapit na lalawigan. Bukod dito, ang infrastructure improvements ay makatutulong para mabawasan ang halaga ng pagnenegosyo, makaakit ng mas maraming investment, at mapaigting ang productivity sa buong bansa.