BUMAGSAK ng mahigit kalahati sa P28.3 billion ang government spending sa infrastructure noong Abril.
Sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), ang public expenditure sa infrastructure at iba pang capital outlays noong Abril ay bumaba ng 56.9 percent mula sa 65.6 billion noong nakaraang taon at ng 52.7 percent mula sa P59.7 billion noong nakalipas na buwan.
Ayon sa DBM, ang malaking pagbaba sa infrastructure spending sa nasabing buwan ay dahil sa pagkaantala ng pag-aruba sa fiscal year 2019 GAA (General Appropriations Act) at sa election ban sa implementasyon ng public works.
Mula Enero hanggang Abril, ang disbursements ng pamahalaan para sa infrastructure at iba pang capital outlays ay bumaba ng 7.3 percent sa P206.4 billion mula sa P222.7 billion sa unang apat na buwan ng 2018.
“Although infrastructure spending increased for the first quarter of 2019 due to the payment of prior years’ accounts payables for completed infra-structure projects, disbursements in April were lower year-on-year as some infrastructure projects were not started following the late budget approval and election ban,” paliwanag ng DBM.
Magugunitang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.7-trillion 2019 national budget noong lamang mid-April makaraang hindi magkasun-do ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa pork funds, dahilan para mag-operate ang gobyerno sa ilalim ng reenacted 2018 budget.
Comments are closed.