INFRA SPENDINGLUMOBO, P570.8-B SA JAN-SEPT PERIOD

INFRA SPENDING

LUMAKI ang infrastructure spending simula Enero hanggang Setyembre ng  45.9 percent sa P570.8 billion mula sa P391.2 billion noong nakaraang taon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Ang double-digit growth na naitala sa infrastructure spending para sa ‘Build Build Build’ program ay nagtulak din sa pagtaas ng paggasta ng gobyerno ng 23.6 percent sa P2.490 trillion kumpara sa P2.015 trillion noong nakaraang taon.

“This is proof that the Build Build Build program is firing on all cylinders,” wika ni Budget Secretary Benjamin E. Diokno.

Ang paglobo ng government spending ay palatandaan ng mas mabilis na paghahatid ng social programs sa health, education, at poverty-reduction, at mas mabilis na pagpapatupad at pagkumpleto sa infrastructure projects tulad ng mga kalsada, tulay at public transport systems.

Tumaas din ang paggasta sa Personnel Services sa P684.4 billion sa January-September period.  Ito ay dahil sa mas mabilis na rate sa paglikha at pagpunan ng mga posisyon sa Department of Education.

Sa annual basis, ang spending sa Personnel Services ay lumobo rin ng 22.4 percent o P125.3 billion bunga ng mas mataas na sahod ng civilian government employees at military at uniformed personnel.

Noong Setyembre lamang, ang infrastructure spending ay tumaas ng  21.6 percent sa P65.2 billion.

“This robust infrastructure spending contributed to government spending growth at 26 percent to P298.6 billion compared to the same month last year in which the government recorded only P237 billion,” ayon sa DBM.  BERNADETTE NICOLAS

Comments are closed.