‘INGAT BUHAY PARA SA HANAPBUHAY’ (Ilulunsad para sa pandemya)

NAKATAKDANG maglunsad ng isang kampanya ang pamahalaan na para ipaalam sa publiko na maaaring maghanap buhay kahit may kinakaharap na pandemya.
Ito ay tinawag na ‘Ingat buhay para sa Hanapbuhay.’
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nasabing kampanya ay ipapaapruba pa kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y sa gitna na rin ng mainit na usapin sa pagitan ng IATF at mga eksperto mula sa University of the Philippines na nagsasabing kinakailangan manatili pa ring sarado ang ekonomiya upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Giit ni Roque, wala nang matatanggap na ayuda ang mamamayan kaya ang kailangan ay buksan na ang ekonomiya at hayaang makapagtrabaho ang mga tao kaakibat ang kaukulang pag-iingat.
Isa aniya siya sa naniniwalang maaari pa ring magpatuloy ang buhay kahit may COVID-19 at kailangang matutong mabuhay sa gitna ng nararanasang pandemya.

Comments are closed.