INGAT SA VACCINE

MASAlamin

MARAMING  excited sa pagkakaroon na ng vaccine kontra COVID-19, na inanunsiyo  na nga ni Pangulong Vladimir Putin ng bansang Russia. Napakabilis ginawa ng vaccine, wala pang isang taon, yari na. ‘Yun ang nakakatakot, dahil sa kagustuhang mapawi na ang COVID-19 sa mundo ay minamadali lahat. Ngunit ang vaccine ay taon ginagawa, hindi buwan, upang masiguradong ligtas gamitin.

‘Yan ang ating diskusyon ngayon. Kung safe ba o hindi? Sabi nga sa kasabihan, “Ang magmadali ay malalalim kung matinik.”

Hindi natin tinatawaran ang kakayahan ng Russia at mga siyentipiko nito na makauna sa paggawa ng vaccine, ngunit sa ganang akin, hindi ba mas importante na pagtuunan ang gamot kontra COVID-19?

Marami na ang tinatamaan ng nasabing virus, iligtas muna natin sila habang hinihintay nga ang isang safe na vaccine.

Ang traditional Chinese medicine na pinag-re-raid pa ng mga awtoridad ay bandang huli aaprubahan din pala. Ang hydroloquine naman ay hinaharang pa rin  at hindi available sa bansa samantalang para sa malaria ito at may mga siyentipikong nagsasabing maaari itong ipanggamot sa mga nagkakasakit ng COVID.

Ang Fabunan Anti-Viral Injection (FAI) ay ipinagbawal din sa bansa at isinarado pa ng awtoridad ang kanilang clinic na nanggagamot ng higit apat na dekada na, hayun at nasa Indonesia na ang FAI at tinatapos na ang mga pag-aaral upang maipanggamot sa mga na-infect ng virus. Ngayon imbes na libre nating magagamit ang FAI ay bibilhin pa natin ito mula sa bansang Indonesia.

Hindi rin inaral ng DOH at FDA ang pagigingepektibo ng “tuob” na isang ancient na uri ng panggagamot sa Filipinas at naririnig pa natin ito ngayon mula sa ibang bansa. Mukhang nakatuon ang DOH sa negosyo at hindi sa solusyon na makapagliligtas ng mga buhay.

Sa bansang Tsina, ordinaryong paracetamol lamang at aspirin umano ang ginamit na pang-treat sa mga pasyente ng COVID-19 at marami sa mga ito ay naligtas at naka-recover. Kung bakit sa istatistika ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ang DOH nakatuon ay lubhang kahina-hinala, mala-social programming lamang ang datingan, samantalang gamot dapat at mga hakbang sa pag-self medicate ang itinuturo sa mga taong tinatamaan ng COVID-19 dahil hindi na kayang ma-accommodate ng mga ospital at ng mga medical frontliner ang mga nangangasakit.

Dapat sana ay nasusuplayan na ang bawat pamilya ng mga basic na gamot at bitamina na kinakailangan sakali mang tamaan ng pagkakasakit, kaysa magmistulang reporter ng istatistika at middleman sa nagosyo ng pagsu-supply ang DOH.

Comments are closed.