INGATAN ANG ATING TRABAHO

NASA Bibliya ang pagpapahalaga sa ating ikinabubuhay at trabaho kaya marapat lamang na atin itong sundin.

Ang ating paghahanapbuhay, anuman ang ating propesyon, ay dapat nating ingatan, pagsipagan at mahalin upang makamit ang hangarin na kasaganaan.

Ang sabi sa Proverbs 10:4, He who has slack hand becomes poor, but the hand of the diligent makes rich.

Nangangahulugan ito na hindi masama ang maghangad ng kasaganaan sa buhay sa pagbabanat ng buto subalit ito ay naaayon at hindi masama o ilegal na hanapbuhay.

Dapat ding ang isipan at puso ay pinagagana ng kasipagan para umunlad ang buhay at huwag pa-impluwensiya sa katamaran.

Gayunman, paano natin matutukoy kung ang todong kayod ay masama o mali.

Kasabay ng pagkayod, may mga batas ng Diyos at ng tao na susundin.

Una, ang pagsisipag ay alinsunod sa mga batas ng Diyos na maging patas at iwasan ang panlalamang, batas ng kompanyang pinapasukan at batas ng komunidad na ibig sabihin ay legal ang trabaho.

Sinabi rin sa Banal na Aklat na ang kamay na masipag ang mananaig habang katamaran ang magwawakas sa iyong pinagkukuhanan ng hanapbuhay.

Proverbs 24:12 – Diligent hands will rule but laziness ends in forced labor.

Kaya naman sa mga may hanapbuhay, namamasukan o may sariling negosyo, magsipag at mahalin ito kaysa dumating na iiwan ng iyong kayod.