INGATAN ANG KALUSUGAN

e-cigarette-3

(ni KAT MONDRESS)

INGATAN ang kalusugan, iyan ang isa sa nararapat nating tandaan lalo na sa panahon ngayon na maraming sakit ang nagkalat sa paligid. At bukod sa pagkain ng masustansiya at araw-araw na pag-eehersisyo, mahalaga ring umiiwas tayo sa iba’t ibang bisyo.

Maraming bisyo ang kinahihiligan ng marami–bata man o matanda. Isa na nga rito ay ang paninigarilyo. Ang nasabing bisyo ay napakaraming naidudulot na masama sa ating kalusugan, gayundin sa mga taong nakapalibot sa atin. Mga sakit na maaaring magdu-lot ng kamatayan.

Ang second-hand smoking at vaping ay mga rason kung bakit nagkakaroon ng lung cancer ang isang tao.

Ito ay hindi safe lalo na sa mga kabataan. Ang nicotine na naaamoy ay nagi­ging dahilan kung bakit tumataas ang blood pressure at sumisira sa ating utak.

Ang electronic cigarette ay gaya ng normal na sigarilyo, pen o USB flash drives na battery operated at puwedeng i-charge. Ito ay mayroong  mga substance na nakasasama sa katawan.

‘Yung iba ginagamit ang e-cigarettes bilang huling proseso para huminto sa pagyo­yosi, ‘yung iba naman ay gumagamit ng e-cigarette para matutong magyosi. Samantalang ang iba naman ay sumusunod lamang sa uso.

Kapag ikaw ay nagyoyosi, maaari kang lapitan o dapuan ng mga sakit. Ayon sa pag-aaral, tumataas na rin ang porsiyento ng mga biktima ng e-cigarette. Ito ay may nicotine at tobacco products.

Kapag ito ay nasobrahan, nagiging dahilan ng pagkamatay.

Ang e-cigarette ay nakakakuha ng malaking atensiyon sa panahon ngayon. Ito ay naabuso at nasobrahan sa gamit ng ilang smokers.

Pero hindi lamang ang mga naniniga­rilyo ang lapitin ng sakit na kaakibat ng paninigarilyo kundi kasama na rin ang mga sec-ond-hand smokers na nakaaamoy ng nicotine vapor. Maging maingat tayo. Sa mga mayroong bisyo, subukang iwasan ang mga ito.

Importante ang kalusugan, at ito ay ­ating laging pahalagahan. Tandaan din natin na kung malusog tayo, mas ma-e-enjoy natin ang buhay kasama ang mga mahal natin sa buhay.