MARAMI ang naghahangad na umasenso sa piniling career o kaya maging matagumpay.
Marami nang inspirational stories tayong nabasa at napanood.
Iisa ang sinasabi, maging positibo sa pananaw at maging sa pinipiling salita.
Halos nagkakaubusan na ng mga salitang magaganda para magtagumpay habang hindi kinabibiliban ang mga negatibo.
Halimbawa na lamang ang salitang inggit.
Sabi nga ng matatanda, huwag mainggit kasi bad iyon habang kasabihan na rin na magdudulot lamang ng pighati ang inggit dahil sisisihin natin ang mga kinaiinggitan, iisiping sila ang hadlang ng personal nating pag-unlad.
Pero mali iyon.
Dahil maaari namang maging kabaligtaran ang resulta ng inggit.
Sa ating pagkainggit sa kapitbahay, sa kasama, kaibigan at kakilala ay maaari namang magtulak para pag-butihin ang ating craft.
Kapag alipin ng inggit, maglalaan ng sobrang pagsusumikap para pantayan o kaya naman lampasan ang taong kinaiinggitan.
Iyon ang positibong epekto ng inggit.
Gayunman, huwag sisihin ang sarili kung hindi mapantayan ang kapwa, gawing idolo na lamang ang inspirasyon ng kapwa.
Sabi nga, gawing positibo ang inggit at umiwas sa masamang isipin sa kapwa.
At higit sa lahat, buksan ang komunikasyon sa kapwa upang madagdagan ang kaalaman.
Mas maganda nga kung maging kaibigan mo ang kinaiinggitan upang maibahagi niya ang sekreto ng kanyang tagumpay.
Mainggit tayo para sa pag-asenso at huwag akusahan ang kinaiinggitan na sila ang umaga sa ating tagumpay.
Comments are closed.