INHALABLE COVID-19 VACCINE, INAPRUBAHAN NG CHINA

INAPRUBAHAN  na ng Chinese drug regulators ang kauna-unahang inhalable COVID-19 vaccine.

Gawa ito ng Tianjin-based manufacturer na Cansino Biologics.

Ayon sa kompanya, binigyan ng go-signal ng National Medical Products Administration ang Emergency Use ng naturang bakuna bilang booster.

Mas madaling anilang iimbak at i-administer ang naturang needle-free vaccine kumpara sa intramuscular jabs, na ibinibigay sa pamamagitan ng nebulizer.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang Cansino Biologics kung kailan magiging available sa publiko ang adenovirus-vectored vaccine.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na datos kaugnay sa efficacy ng bagong bakuna. DWIZ882