INHENYERO NA BIHAG NG SAYYAF LAYA NA

Sobejana-pilipino-mirror

SULU – KINUMPIRMA ng militar ang pagpapalaya sa isang district engineer na bihag ng Abu Sayyaf Group  (ASG) sa loob ng ilang buwan sa Latih, Patikul.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu, bandang alas-08:00 ng uma­ga ay pinalaya si Engr. Enrico Nee, kawani ng District 1 Department of Public Works and Highways.

Si Nee ay dinukot noong Pebrero 14 ng grupo ni Mujir Hadiada at Hatib Sawadjaan.

Si Sawadjaan ang most senior ASG leader na responsable sa abduction ng biktima.

Hindi naman idine­talye ng opisyal ang naging pagpapalaya sa bihag pero kanyang sinabi na bahagi pa rin ito ng intense military operation sa Mindanao partikular na sa Sulu kaya nagkusa ang bandidong grupo na pabayaan na ang biktima.

Matatandaang noong nakaraang linggo lang ay pinalaya ng ASG ang dalawang pulis na kanilang dinukot na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

Nabatid na sa kasalukuyan ay may nalalabi pang siyam na hostage ang ASG sa Sulu na kinabibilangan ng isang Dutch, tatlong Indonesian, isang Vietnamese at  apat na Filipino.      VERLIN RUIZ

One thought on “INHENYERO NA BIHAG NG SAYYAF LAYA NA”

  1. *An impressive share, I just given this onto a colleague who was doing a little analysis on this. And he in fact bought me breakfast because I found it for him.. smile. So let me reword that: Thnx for the treat! But yeah Thnkx for spending the time to discuss this, I feel strongly about it and love reading more on this topic. If possible, as you become expertise, would you mind updating your blog with more details? It is highly helpful for me. Big thumb up for this blog post!

Comments are closed.