INHINYERO NG DPWH NAWALA, KINALAWIT NI KAMATAYAN

patay

BULACAN – Makalipas ang isang araw na paghahanap ng mga kaanak at pamilya, patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang sasakyan ang isang inhinhero sa Bypass Road ng  Brgy. Tarcan, Baliuag.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad,  Linggo ng tanghali nang umalis sa kanilang bahay sa isang subdivision sa Malolos City si Engr. Al Centeno, lulan ng kulay puting Toyota Hilux na may plakang AO-1010.

Ayon kay PMaj.Avelino Portacio-ll, ganap na alas-11:00 ng Hulyo 29 nakita ang sasakyan ng biktima sa shoulder ng Bypass sa nabanggit na lugar.

Nakita ng Scene of the Crime Operatives ang katawan ng biktima sa passenger side ng naturang sasakyan.

Nabatid na si Centeno ay kasalukuyang kawani ng District-ll sa Department of Public Works and Highways sa bayan ng Sta.Maria.

May teyorya naman ang mga pulis na posibleng inatake sa puso ang may-ari ng sasakyan.

Samantala patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkamatay ng biktima. THONY ARCENAL

Comments are closed.