(Inihahanda na ng gobyerno) REPATRIATION FLIGHT SA OFWS SA INDONESIA

Brigido Dulay

MAGSASAGAWA ang pamahalaan ng repatriation flight sa mga Filipinong nasa Indonesia kung kinakailangan, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Brigido Dulay.

Ang Indonesia ay isinama sa listahan ng mga bansang may travel restrictions dahil sa banta ng Delta COVID-19 variant.

Bukod sa mga paliparan na posibleng babaan ng mga pasahero galing Indonesia, tiniyak ng DFA na mahigpit ding babantayan ang mga port sa bansa para mapigilan ang pagpasok ng naturang variant na sinasabing mas mabilis na nakahahawa.

Una na ring pinalawig ng pamahalaan hanggang Hulyo 31 ang ipinaiiral na travel ban sa mga biyahero mula sa United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka, Oman, Nepal at Bangladesh.

Samantala, kinumpirma ni Dulay na maraming embassy staff na mga Filipino ang na-infect na rin ng COVID -19, gayundin ang ilang ambassador.

Sa kasalukuyan ay may 13 Pinoy sa Indonesia iniulat na ginagamot matapos magpositibo sa COVID-19. LIZA SORIANO

5 thoughts on “(Inihahanda na ng gobyerno) REPATRIATION FLIGHT SA OFWS SA INDONESIA”

  1. 943988 866067I cant say that I completely agree, but then once again Ive never genuinely thought of it quite like that before. Thanks for giving me something to think about when Im supposed to have an empty mind while trying to fall asleep tonight lol.. 449079

Comments are closed.