(Inihatid ng US sa Davao City) P26.4-M MEDICAL SUPPLIES VS COVID-19

INIHATID ng gobyerno ng Estados Unidos sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID) at Department of Defense (DOD) sa Davao City ang halos P26.4 milyong ($528,000) halaga ng medical supplies upang palakasin ang pagtugon sa COVID-19.

Ibinigay ng US Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava ang 10 intensive care unit (ICU) bed, apat na CO­VID-19 vaccine cold storage units, at iba pang kagamitan at suplay na medikal kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa paglulunsad ng community-based COVID-19 response ng Davao City.

“As a friend, partner, and ally, the United States is one with you in fighting COVID-19 and facilitating long-term initiatives that ensure health, peace, and prosperity in the southern Philippines,”ani CDA Variava.

Ang USAID ay nakipagpartner sa Davao City Health Office para bumuo ng isang plano upang mapabilis,accessible at libreng mga serbisyo ng COVID-19 sa pamamagitan ng pag-set up ng walong COVID-19 Cluster Clinic sa mga strategic na lokasyon.

Ang mga klinika na ito ay magbibigay ng epektibo at mahusay na pagsubok, pagsusuri at contact tracing at pamamahala ng COVID-19.

Ang bagong donasyon ay karagdagan sa P6.9 milyon ($138,600)Cna halaga ng ICU bed at COVID-19 vaccine cold storage units nacnaibigay ng U.S. DOD sa Pilipinas noong Oktubre at Nobyembre.

Malugod na tinanggap ni Department of Health Assistant Secretary Dr. Roy B. Ferrer ang suporta at pakikipagtulungan sa gobyerno ng US.

Sa ngayon, ang Estados Unidos ay nakapagbigay na nang higit sa P1.9 bilyon ($39 milyon) upang suportahan ang pagtugon ng Pilipinas sa COVID-19.

Samantala, bumisita din ang CDA Variava sa Philippine Eagle Center sa kanyang paglalakbay sa Davao.

Sinusuportahan ng USAID ang pagsisikap ng Philippine Eagle Foundation na protektahan ang tirahan ng Philippine eagle sa Mindanao.

Sinusuportahan din ng U.S. Forest Service ang mga pagsisikap sa pag-iingat ng agila sa lalawigan ng Apayao, isang pangunahing lugar ng pagpaparami sa Northern Luzon.

Ang Philippine eagle, ang pambansang ibon ng Pilipinas at ang pinakamalaking agila sa mundo ay malapit nang maubos sa loob ng 40 taon at 400 pares na lamang ang natitira. VERLIN RUIZ