NAIS ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magpatawag ng special session sa Kongreso para kaagad na maipasa ang ikatlong Bayanihan Law.
Hiniling ni Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang special session para sa nasabing panukala na magbibigay tulong sa mga indibidwal na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Drilon, dapat ay tuloy-tuloy ang tulong sa mga apektadong indibidwal dahil sa hirap na kanilang nararanasan habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus bubble.
Sinabi pa ng minority leader na dapat magpatawag ng special session ang Pangulo para matugunan ang pangangilangan ng mga Filipino at makapag-realign ng mga item na hindi kailangan.
Nilinaw pa ng senador na handa sila sa Senado na talakayin ang Bayanihan 3 dahil magbibigay ito ng karagdagang tulong sa milyon-milyong empleyado na nawalan ng trabaho dahi sa pandemya.
Hindi naman tinukoy ni Drilon kung saan manggagaling ang pondo para sa panukalang batas.
Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na wala silang problema sa pagsasagawa ng special session, maliban na lamang kung makahanap ng ibang pagkukunan ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM).
Nakahanda rin si Speaker Lord Allan Velasco na magdaos ng special session para sa agarang pag-apruba sa P420 billion stimulus package na Bayanihan 3.
Ayon kay Velasco, pangunahing may akda ng Bayanihan 3, nakahanda anumang oras ang Mababang Kapulungan na magsagawa ng special session sakaling ito ay ipatawag ni Pangulong Duterte.
Sa kasalukuyan ay inaaral pa ng Committee on Economic Affairs at Social Services ang Bayanihan 3.
Sinabi pa ni Velasco na sakali namang sertipikahang ‘urgent’ ng Palasyo ang Bayanihan 3 ay agad silang tatalima rito para maaprubahan.
Para naman kay Senador Panfilo Lacson, bagaman maganda ang intensiyon na magsagawa ng special session ay dapat munang pag aralan ang sitwasyon, lalo na ngayon na ubos na ang kaban ng gobyerno. LIZA SORIANO. CONDE BATAC
572334 884764If you are needing to produce alteration in an individuals llife, during i would say the Are usually Bodyweight peeling off pounds training course are a wide path within the direction of gaining any search. la weight loss 197190
83079 168109Taking a look forward to see you. 417538
353724 690142You made various excellent points there. I did a search on the topic and identified most people will have the same opinion along with your weblog. 788364
276814 589768Excellent day. Extremely cool weblog!! Man .. Outstanding .. Incredible .. Ill bookmark your web site and take the feeds additionallyI am glad to locate numerous beneficial info correct here within the post. Thank you for sharing.. 801804