(Inihirit ng DA) DAGDAG NA PONDO VS ASF

ASF-4

HUMIHINGI ng dagdag na pondo ang Department of Agriculture (DA) sa Kongreso para sa kanilang programa laban sa African Swine Fever (ASF).

Sa joint hearing ng House Committees on Agriculture and Food at Trade and Industry, sinabi ni Agriculture Usec. Willie Medrano na kailangan nila ng P27.1 billion sa loob ng tatlong taon simula ngayong 2021 at ito ay gagamitin para labanan ang ASF at para sa pagpaparami ng baboy sa bansa.

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), sinabi ni Medrano na kulang ang P2.6 billion na alokasyon ngayong taon para sa calibrated repopulation at intensified production, swine breeder multiplier farms, insurance premium, at biosecurity at surveillance program.

Mangangailangan pa, aniya, sila ng P4.297 billion bilang karagdagang pondo ngayong taon, P11.340 billion  sa 2022, at P9.390 billion naman para sa 2023.

Hangad ng ahensiya na matanggal sa quarantine ang 90 percent ng 2,100 ASF-affected barangays gamit ang kanilang sentinel approach, at mapalakas din ang production at protection ng mga kinokonsiderang Green Zones.

Target din ng ahensiya na maitaas sa 440,563 ang mapoprodyus  na mga baboy sa loob ng tatlong taon.

Bukod dito, layon din, aniya, nilang umabot sa 15.6 million finishers o mga baboy na puwedeng maibenta ang masasakop ng insurance mula 2021 hanggang 2023. CONDE BATAC

One thought on “(Inihirit ng DA) DAGDAG NA PONDO VS ASF”

  1. 927506 269833Incredibly best man toasts, nicely toasts. is directed building your own by way with the wedding celebration as a result are supposed to try to be witty, amusing and consequently unusual as well as. best mans speech 325387

Comments are closed.