(Inihirit ng DMW) DAGDAG-SAHOD, BENEPISYO SA MGA NURSE

Nurses

HINILING sa pamahalaan ng Department of Migrant Workers (DMW) na dagdagan ang suweldo at benepisyo ng mga Filipino nurses sa bansa.

Binigyang-diin ng DMW na ang mababang sahod ang nagtutulak sa Pinoy nurses na magtrabaho sa ibang bansa.

Kasunod na rin ito ng pagpapakita ng interes ng anim na malalaking bansa na mag-hire ng malaking bilang ng mga nurse sa Pilipinas.

Kabilang sa mga bansang nais kumuha ng mga Pinoy nurse ang United States, Saudi Arabia, Austria, Singapore, Japan at Germany na may magandang benepisyo at malaking sahod na tutugon sa pangangailangan ng mga healthcare worker.

Ayon sa DMW, kasalukuyang nakikipag-usap sa ahensiya ang ambassador ng nasabing mga bansa.

Iginiit ng DMW na kailangang masolusyonan ang problema ng mga healthcare workers upang mapigilan ang posibleng kakulangan ng mga nurse sa bansa.

-DWIZ 882