(Inihirit ng hog raisers) SRP SA KARNENG BABOY

baboy

HUMIRIT ang National Federation of Hog Raisers (NFHR) na maglagay ng suggested retail price (SRP) sa karneng baboy

Ayon kay Chester Tan, pangulo ng grupo, sa naturang SRP na lamang ibabatay ang suplay at demand ng karneng baboy.

Sinabi ni Tan na kapag may SRP na ay maaari nang alisin ang price cap, na idinadaing ng mga vendor dahil wala na umano silang kinikita.

Una nang nagpataw ang gobyerno ng price ceiing na P270 hanggang P300 sa kada kilo ng baboy na sumirit sa mahigit P400 ang presyo ng kada kilo noong nakaraang buwan.

Ang price increase ay isinisisi ng Department of Agriculture (DA) sa kakulangan ng suplay ng baboy dulot ng African swine fever (ASF) na tinutugunan na ngayon ng gobyerno.

One thought on “(Inihirit ng hog raisers) SRP SA KARNENG BABOY”

Comments are closed.