SINABI ng National Irrigation Administration (NIA) na mangangailangan ito ng hindi bababa sa P200-billion budget kada taon para sa irrigation projects nito upang matiyak ang food security sa bansa.
“My estimate for us to be food secure… we need P200 billion [budget] yearly for the next 10 years,” pahayag ni NIA Administrator Eddie Guillen sa isang forum noong Sabado sa Quezon City.
Ayon kay Guillen, popondohan ng P200-billion budget ang short hanggang long term projects ng ahensiya tulad ng pagtatayo ng matataaa nadams, restoration projects, solar pump irrigation initiatives, at water impounding projects.
Sinabi ng NIA chief na ipinanukala na ng ahensiya sa Department of Budget and Management (DBM) ang P200 billion budget para sa sa susunod na taon.
Gayunman ay P42 billion lamang, aniya, ang inaprubahan ng DBM dahil sa limitadong budget.
Sa kabila nito, umaasa siya na tutulungan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang ahensiya na makatanggap ng mas malaking bigger allocation sa sandaling simulan ang budget deliberations para sa P6.352-trillion proposed national expenditure plan.
Target ng DBM na isumite sa Kongreso ang panukalang budget para sa susunod na taon isang linggo matapos ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.
Para sa 2024, ang NIA ay tumanggap ng P70.22-billion allocation sa ilalim ng General Appropriations Act ngayong taon.
Samantala, apat na high dams —na mas mataas sa 75 metro o mayroong reservoir storage capacity na lampas 60 million cubic meters— ang kasalukuyang ibini-bid.
Ang mga ito ay ang P8.6- billion Tumauini River Multipurpose Project (TRMP) sa Isabela province;
P19-billion Panay River Basin Integrated Development Project (PRBIDP) sa Iloilo na binubuo ng dalawang Panay High Dam, ang Panay Afterbay Dam; isang high line canal; at isang floodway component;
P22.7-billion Ilocos Norte-Ilocos Sur-Abra Irrigation Project II (INISAIP II); at P9-billion Ilocos Sur Transbasin Project.
VERLIN RUIZ