(Inihirit ng solon) PROBE AT TOTAL BAN’ SA POGOs

Rep-Carlos-Isagani-Zarate

HINDI lamang umano dapat manatiling sarado dahil may ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ngayon, bagkus ay dapat na tuwirang ipagbawal na ang operasyon ng Chinese-owned offshore gaming firms dahil bukod sa pagiging banta umano nila sa pangkalahatang seguridad ng bansa, ay mayroong pa itong dalang peligro sa kalusugan ng sambayanang Filipino.

“Fact is, the security concerns raised against Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) are still very much valid because China has the means, capacity and motive to use these hubs for its own expansionist military and political purposes. But, another compelling reason for its continued closure and even total ban is that these POGOs may become potential centers for CoViD spread and transmission to others,” ang tigas na pahayag ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate

Ayon kay Zarate, ang kinaaaniban niyang ‘Makabayan bloc’ sa Kamara ay nakatatanggap ng maramig reklamo at paghahayag ng pangamba mula sa mga local resident sa iba’t-ibang mga lugar kung saan nakabase ang POGO.

Ito’y dahil sa sapul umano nang lumawak ang operasyon ng  naturang foreign online gambling business, maramang insidente ng mga paglalabag sa batas ang naitatala gaya ng prostitusyon, illegal drugs, sugal, at maraming pang iba kung saan ang kadalasang nasasangkot ay POGO workers.

Subalit sinabi ng mambabatas na ang pinakamalaking ikinababahala umano ng mga mamamayan ay ang patuloy na pagkalat ng nakamamatay na coronavirus disease lalo’t mga Chinese ang kadalasang nasa POGOs at sa bansa ng mga ito, partkular sa Wuhan City, na sakop Hubei province sa Central China, nagmula ang Covid-19.

Giit ni Zarate, mababalewala ang P500 milyon na kikitain ng gobyerno mula sa pagbubukas ng POGO kung marami namang Filipino ang mahahawaan ng nasabing deadly virus kapag patuloy na pahihintulutan sa kanilang negosyo ang naturang mga dayuhan.

Kinastigo rin ng House deputy minority leader ang animo’y pagmamatigas ng halos 40 POGOs  partikular ang hindi pagbabayad sa kaukulang buwis at ibang regulatory fees na ipinapataw sa kanila ng pamahalaan. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.