(Inihirit ng transport group)DAGDAG-FUEL SUBSIDY SA PUJ DRIVERS

JEEPNEY DRIVER

UMAPELA ang isang trans- port group para sa dagdag na subsidiya sa mga public utility jeepney (PUJ) driver sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nanawagan si Pasang Masda President Obet Martin para sa karagdagang fuel subsidy hanggang Disyembre, sakaling may matira pang pondo ang Department of Transportation (DOTr).

Kinuwestiyon naman ng grupo ang pagpapalawig ng DOTr sa Libreng Sakay Program ngunit bigong magbigayn ng karagdagang tulong para sa mga jeepney driver.

Matatandaang naghain ng petisyon ang mga transport group, kabilang ang Pasang Masda, The Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), at ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) para sa karagdagang piso hanggang dalawang pisong ‘surge fee’ sa jeepney fare tuwing rush hour.

Ito ay para matulungan ang mga tsuper na maibsan ang kanilang pasanin dala ng epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

DWIZ 882