HINILING ni Senadora Grace Poe sa Department of Agriculture (DA) na isama ang galunggong sa mga pangunahing bilihin na kailangang ilagay sa price freeze sa gitna pa rin ng pandemya.
Ginawa ni Poe ang panawagan bunsod ng napakataas pa ring presyo ng galunggong sa mga palengke nitong mga nagdaang araw na hindi na kayang bilhin ng mga ordinaryong mamimili.
Una nang inirekomenda ng DA sa Malacañang na magpatupad ng price ceiling/freeze sa baboy at manok, kung saan nasa P270 ang kada kilo ng kasim at pigue, P300 sa liempo at P160 naman sa kada kilo ng dressed chicken.
Ang price ceiling na ito ay mas mataas sa suggested retail prices (SRP) na itinakda noong huling bahagi ng Nobyembre na P260 sa kada kilo ng kasim at pigue, P290 sa bawat kilo ng liempo at P140 naman sa kada kilo ng manok.
“If we really want to help our people, we should also give attention to galunggong or at the very least implement the SRP of P140 per kilo that even the DA’s own price monitoring showed was already at P240 per kilo last December,” ani Poe.
Sa ilalim ng Price Act, ang Pangulo ay maaaring magpataw ng price ceiling sa pangunahing pangangailangan o prime commodity, lalo na kung kung may kalamidad, emergency, malawakang ilegal na price manipulation, at kung ang presyo ay tumaas sa hindi makatuwirang antas o kung may pangyayari na magreresulta sa pagtaas sa presyo nito.
“The price ceiling the DA is seeking is higher than its SRP. Even the DA’s own price monitoring shows that the SRPs were no longer followed in Metro Manila early in December. This time, we are asking the DA to identify and punish those manipulating prices, not just for pork and chicken but also for fish and vegetables, if there was profiteering,” ayon kay Poe.
“The government should act now. Butas na ang bulsa ng mga tao at wala pa ring trabaho ang marami,” diin pa nito.
Sa ilalim ng Price Act, ang price ceiling ng isang produkto ay ibinabase sa kanilang average price sa nakalipas na tatlong buwan bago ang proklamasyon nito, sa availability ng suplay at halaga ng ginastos ng mga producer kasama na ang paggawa at transportasyon.
“If the DA has been monitoring prices, why did it allow the situation to reach this point? What caused the ‘calamity’ or ‘emergency’? Why is the move to increase importation happening only now?” dagdag pa ni Poe. VICKY CERVALES
Comments are closed.