(Inihirit sa Kamara) PUV DRIVER ILIBRE SA PAGKUHA NG LISENSIYA

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas na dapat gawing libre ang pagkuha ng lisensiya ng mga driver ng Public Utility Vehicles (PUVs).

Ayon kay Cibac Party-List Rep. Eddie Villanueva, huwag nang pagbayarin ng aplikasyon o renewal fee ng lisensiya sa pagmamaneho ang mga tsuper upang mabawasan ang kanilang gastusin dahil sa maliit na kita sa pamamasada.
Bukod kasi sa mataas na presyo ng langis, mahal din ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado bunsod ng epekto ng pandemya.

Iginiit ng kongresista na pawang minimum-wage earner lamang ang mga PUV driver at “mabigat na sa kanilang bulsa” kung sisingilin pa sa bayarin ng lisensiya.

Nabatid na karamihan sa mga pumapasada sa rural areas ay hindi mga lisensiyado o kaya’y expired na ang lisensiya dahil sa mataas na singil sa pag-a-apply o pagre-renew ng driver’s lincense. DWIZ 882