(Iniimbestigahan ng DTI) UNLICENSED SELLERS NG COVID TEST KITS

INIIMBESTIGAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang unlicensed sellers at resellers ng COVID-19 test kits lalo na yaong mga nag-ooperate online.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, pinangungunahan ng Consumer Protection Group office ng ahensiya ang imbestigasyon.

Tumaas ang benta ng antigen at rapid test home test kits sa gitna ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 na pinaniniwalaang dulot ng Omicron variant.

Sinabi ni Castelo na ang sellers ng home test kits ay kailangang kumuha ng license to distribute (LTD), at license to operate (LTO) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

“We’re on it especially online. A lot of them do not have the LTO/LTD,” ani Castelo.

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng antigen self test kits.