(Inilaan ng Agriculture dept.) P80-M PARA SA ASF TEST KITS

Agriculture Secretary William Dar-5

NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng inisyal na P80 million para sa produksiyon ng locally produced test kits na makatutukoy ng African swine fever (ASF) sa mga alagang hayop.

Sa isang statement, sinabi ng DA na ang kits, na tinawag na  “ASFV Nanogold Biosensor” at dinebelop ni Clarissa Yvonne Domingo ng Central Luzon State University, ay makatutukoy at makakikilala ng pagkakaiba ng ASF sa hog cholera at iba pang swine-related viruses.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang kit ay maaaring gamitin para sa “biosecurity measures, profiling of farms for repopulation, and surveillance and monitoring activities, at a much faster rate right at the so-called ‘ground-zero’ and more economical.”

“We can even have these test kits on standby at the port of entries for a quick sampling of the meat products entering the country,” dagdag pa niya.

Tiniyak ng DA na ang resulta ng test kits ay may “high accuracy at detection rate” kung saan sinubukan ang mga ito sa 32 commercial at 9 backyard farms sa Bulacan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, at Nueva Ecija.

“It can detect the presence of ASF even through surface swabbing of pig barns and delivery trucks, saliva, and nasal swabs, feces, water, semen, feeds, aspirated whole blood, or blood-soaked swabs, and even domestic flies,” ayon sa ahensiya.

Libre umano ang testing sa Bureau of Animal Industry (BPI) habang ang private laboratories ay naniningil ng P3,000 per test.

Comments are closed.