(Inilaan ng DBM sa ilalim ng 2024 proposed budget) P783-M PARA SA MSMEs

MSMEs

NAGLAAN ang Department of Budget and Management (DBM) ng P783 million sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa mga programa na naglalayong maisulong ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Sa isang statement, sinabi ng DBM na ang halaga ay inilaan para sa MSME Development Program ng Department of Trade and Industry (DTI) sa susunod na taon.

Ayon sa DBM, ang P100 million mula sa alokasyon ay inilaan para sa Digitalization Program of MSMEs ng DTI na layong pabilisin ang kanilang pagsulong at tulungan silang mapalawak ang kanilang merkado sa pamamagitan ng digitalization.

Samantala, ang P454 million ay para sa mga pangangailangan sa pagtatayo ng Negosyo Centers “to further support and supply resources that will foster entrepreneurship, promote local products, and enhance the capabilities of MSMEs.”

“As I always say, our micro, small, and medium enterprises (MSMEs) serve as the building blocks of our country’s economy. And so following the directive of President Bongbong Marcos, we will help attract more investments and create more jobs by promoting more competitive and innovative industries, particularly among the MSMEs,” sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Bukod sa P783-million para sa pagpapaunlad ng MSMEs, naglaan din ng P579 million at P76 million para sa pagpapatupad ng Shared Service Facilities Project at One Town, One Product Next Generation Project, ayon sa pagkakasunod.

Naglaan din ng P1.5 billion para sa Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso (P3) Program ng Small Business Corporation, na inaasahang magbibigay benepisyo sa 40,000 MSME borrowers.