NAGLAAN ang Department of Migrant Workers (DMW) ng paunang P20 million assistance fund para sa pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng a magnitude 7 earthquake sa Northern Luzon noong Miyerkoles.
Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, bibigyang prayoridad nila ang mga pamilya sa pinakaapektadong lugar base sa damage assessment report na ilalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
“This is just an initial allotment to help OFW families affected by the earthquake,” sabi ni Ople. “I have directed the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to immediately provide help and find out what other forms of assistance the DMW can provide.”
Aniya, ang mga apektado ay maaaring maghain ng kanilang aplikasyon para sa DMW financial aid sa pinakamalapit na OWWA office sa kanilang rehiyon.
Dagdag pa niya, kailangan lamang nilang magpakita ng pruweba na may isa silang family member na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa.
“Once verified, the applications shall be endorsed for financial assistance. The one-time allocation can be used for food, medicines, groceries, water, or any items the OFW family needs immediately,” aniya.
Idinagdag pa ng kalihim na nakikipag-ugnayan na siya sa Home Development Mutual Fund (HDMF) o PAG-IBIG Fund para pabilisin ang emergency loan applications ng OFW families na naapektuhan ng kalamidad.