CAMARINES SUR — Namahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol, sa pangunguna nina Regional Director Imelda F. Gatinao at Provincial Director Ma. Ella E. Verano, ng initial payout sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program sa typhoon-affected workers noong nakaraang November 21.
Sa pamamagitan ng Camarines Sur Provincial Office, ang DOLE Bicol ay naglaan ng P210 million para sa emergency employment program.
Ipinamahagi ang halagang P14,662,342 para sa P13,678,850 na wages at P983,492 para sa personal protective equipment (PPE).
Ang initial payout ay nagbigay-benepisyo sa 3,463 storm-affected workers sa ilang munisipalidad na may alokasyon para sa Lupi (603 beneficiaries), Milaor (719 beneficiaries), Pasacao (271 beneficiaries), San Fernando (204 beneficiaries), Bombon (107 beneficiaries), Canaman (662 beneficiaries), Sangay (271 beneficiaries), at San Jose (626 beneficiaries).
Ang bawat TUPAD beneficiary ay lumahok sa community rehabilitation efforts, tulad ng clearing operations at sanitizing public spaces, at tumanggap ng P3,950 para sa kanilang 10 araw na serbisyo.
Binigyang-diin ni RD Gatinao ang kahalagahan ng paglahok ng komunidad sa pagtamo ng sustainable recovery.
Tiniyak niya sa mga benepisyaryo ng DOLE ang patuloy na suporta ng pamahalaan at nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng partners na tumulong sa pagpapatupad ng TUPAD.
“Sa pamamagitin ng TUPAD program, layunin nating hindi lamang tugunan ang agarang pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyo, kundi bigyan din sila ng pagkakataong kumita habang tumutulong sa pagbabangon ng kanilang mga komunidad. Patuloy kaming maghahatid ng ganitong programa upang masiguro ang mabilis at sama-samang pagbangon ng bawat pamilyang apektado.”
Isang 33-year-old fisherman mula sa Pasacao, Alwin Bronola, ang nagpahayag pasasalamat para sa tulong.
“Nagpapasalamat po akong maray sa tabang kang DOLE. Igwa na ako pambakal gamit sa harong asin pambakal bagas, panira, asin gamit kang mga aki. Dakulang tabang po ini sakong parasira, lalo na po ngunian na maluya ang pagsira dahil sa sunod-sunod na bagyo. Sana po padagos pa po ang pagtabang nindo samuyang nangangaipuhan,” he said.
Ang TUPAD Program ay nag-aalok ng emergency employment para sa disadvantaged workers, kung saan maaari silang magsagawa ng community work sa loob ng 10 hanggang 30 araw.