NAGLAAN ang administrasyong Marcos ng P105.6 billion budget para sa state universities and colleges (SUCs) sa 2024, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa isang statement, sinabi ng DBM na ang proposed budget sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) ay gagamitin para suportahan ang free tertiary education at tugunan ang learning losses dahil sa pandemya.
Nasa P21.7 billion ng proposed allocation ay ipagkakaloob sa 116 SUCs sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) Program na naggagarantiya sa free tertiary education sa may 3,145,098 estudyante sa buong bansa.
Ayon sa DBM, ang proposed UAQTE budget para sa SUCs ay mas mataas ng 14.32 percent o P3 billion kumpara sa P18.8 billion budget mula sa 2023 NEP.
Nasa P26 billion ng proposed UAQTE budget ay gagamitin para suportahan ang mga programa ng Commission on Higher Education (CHED), habang P3.4 billion ang para sa libreng technical vocational education at training ng 38,179 enrollees at 10,126 graduates ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
“Access to quality education will also be at the forefront of the government’s education agenda through the Universal Access to Quality Tertiary Education,” sabi ni Pangandaman.
Ayon sa DBM, para mapalakas ang learning experience at matulungan ang Filipino youth na mabuksan ang kanilang potensiyal, ang SUCs ay tatanggap din ng P3.4 billion para sa kanilang infrastructure projects.
May kabuuang P924.7 billion ang ilalaan para sa education sector, katumbas ng 16 percent ng P5.768-trillion proposed national budget para sa 2024.
Sa kanyang budget message ay kinilala ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng access sa free tertiary education ng mga Pilipino, lalo na’t karamihan sa educational institutions sa bansa ay nagsasagawa na ng full face-to-face classes.
“With 99.5 percent of our public schools now implementing 5-day in-person classes, this amount will fund significant investments in the education of over 28 million learners nationwide,” wika ni Marcos.
“Improving education facilities is essential for creating a conducive learning environment for all learners, including those in remote and hard-to-reach areas,” dagdag pa niya, binigyang-diin na ang “well-equipped at well-designed classroom ay makapagsusulong ng positibong kapaligiran para sa pagkatuto.”
-(PNA)