INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P10.894 billion na budget para sa cash aid sa mga pamilyang maaapektuhan ng 2-week enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Sa isang statement, sinabi ng DBM na ang ayuda ay ipamamahagi sa may 10.9 milyong indibidwal o ang bottom 80 percent ng populasyon ng capital region.
“The cash aid will be released directly by the Bureau of the Treasury to the concerned local government units (LGUs) through their respective authorized government servicing banks,” pahayag ng DBM.
Ang pondo ay hinugot sa savings ng ilang ahensiya ng pamahalaan mula sa 2020 budget kasunod ng direktiba ni Presidente Rodrigo Duterte sa DBM na maghanap ng pondo.
“Upon receipt of the funds, the LGUs should determine the ‘most efficient and effective way’ to distribute the cash aid,” ayon sa DBM.
Ang bawat pamilya ay tatanggap ng P1,000 hanggang P4,000.
Ang Metro Manila ay muling isinailalim sa pinakamahigpit na quarantine restrictions mula Agosto 6 hanggang 20 upang mapigilan ang pagkalat ng mas mabilis makahawang Delta variant ng COVID-19.
Comments are closed.