NAGPALABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng may P29.5 billion na halaga ng ayuda sa iba’t ibang benepisyaryo sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon sa DBM, ang iba’t ibang uri ng tulong ay kinabibilangan ng suporta sa mga magsasaka na naapektuhan ng Rice Tariffication Law; mga pamilyang apektado ng inflation; mga nahaharap sa krisis; at mga biktima ng bagyo at lindol.
Nagkaloob din ng tulong para sa pagpopondo sa libreng sakay para sa commuters sa kahabaan ng Edsa Carousel Route, gayundin sa eligible public at private healthcare at non-healthcare workers na may kinalaman sa COVID-19 healthcare response.
“The DBM has indeed made significant strides in supporting the current government’s plans, programs and projects in its first 100 Days and much more will be done as it looks forward in funding a budget that is responsive to every need of every Filipino,” ayon sa DBM.
Kabilang sa mga ayuda na ipinagkaloob sa iba’t ibang benepisyaryo ay P8-billion para sa pamamahagi ng Department of Agriculture (DA) ng P5,000 na subsidiya sa 1,563,781 eligible rice farmers na naapektuhan ng Rice Tariffication Law sa third at fourth quarters ng 2022.
*P4.1 billion para sa pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng second tranche ng P500 monthly cash aid para sa low-income families o ang Targeted Cash Transfer (TCT) Program upang mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis at bilihin.
*PHP2 billion para sa pamamahagi ng DSWD ng cash aid sa mga nasa mahirap na sitwasyon, kabilang ang mga nasa krisis o ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)
*PHP1.5 billion para sa pamamahagi ng DSWD ng P10,000 emergency shelter assistance sa 153,410 totally damaged houses sa Regions 6, 8, 10 at 13 na naapektuhan ng bagyong Odette.
*PHP1.4 billion sa Department of Transportation para suportahan ang extended “Libreng Sakay” program para sa mga commuter sa Edsa Carousel Route hanggang December 2022,
*PHP1 billion sa Department of Health (DOH) para bayaran ang unpaid COVID-19 special risk allowance claims ng 55,211 health workers.
PNA