NAGLABAS kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) ng price guide para sa school supplies habang papalapit ang pagbubukas ng bagong school year sa Hulyo 29.
Sa isang statement, sinabi ng DTI na ang “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” nito ay nagsisilbing price guide para sa mga consumer sa pagbili ng school items.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Notebook P11.80 – P52.00
- Grades 1-4 pad paper P9.50 – P61.00
- Intermediate pad paper P13.80 – P48.75
- Pencils P11.00 – P33.00
- Ballpens P3.00 – P33.00
- A box of crayons with eight colors P12.00 (regular) – P65.00 (jumbo)
- Crayon pack (12-color) P32.00
Crayon pack (16-color) P24.00 – P83.00
- Crayon pack (24-color) P34.00 – P114.00.
- Sharpeners P15.00 – P69.00• Rulers P16.00 – P29.00
- Erasers P4.50-P20.00.
Ayon sa DTI, ngayong taon, 68% o 80 stock keeping units (SKUs) mula sa 117 ang hindi gumalaw ang presyo. Nasa 24% o 28 SKUs naman ang tumaas ang presyo habang 8% o 9 SKUs ang may bawas-presyo.
Samantala, pinaalalahanan ng DTI ang mga consumer na i- check ang labels ng school supplies. Ang labels ay dapat magtaglay ng pangalan at address ng manufacturer o importer.
“I urge consumers to buy school supplies from companies that comply with labeling requirements and use the Gabay in shopping. The Gabay indicates which SKUs have not increased or have retained their prices,” wika ni DTI Secretary Fred Pascual.
“As part of the DTI’s goal to empower and care for consumers, this guide champions consumer rights and protection. Through established mechanisms, we empower consumers, raise awareness of their rights, and strengthen monitoring and enforcement across all businesses to safeguard product quality standards.”
Ang Gabay sa Pamimili ng School Supplies ay ipo-post sa DTI website. Para sa consumer-related concerns at queries, maaaring mag-email sa [email protected] o tumawag sa One-DTI (1-384) Hotline.