NAGPALABAS ang Land Bank of the Philippines (Landbank) ng P2.89 billion na pautang sa halos 65,000 rice farmers sa nakalipas na anim na taon sa ilalim ng Expanded Rice Credit Assistance of the Rice Competitiveness Enhancement Fund (ERCA-RCEF).
Ayon sa Landbank, mula 2019 hanggang 2024, ang ERCA-RCEF ay nagbigay ng benepisyo sa 17,767 individual farmers at 270 cooperatives, na may mahigit 47,100 miyembro. Karamihan, o 98 percent, ng mga borrower ay individual rice farmers.
Sinusuportahah ng ERCA-RCEF ang mga magsasaka sa kanilang rice production at post-harvest activities, gayundin sa pagbili ng farm machinery.
Ang inisyatiba ay bahagi ng papel ng Landbank sa pagpapatupad ng RCEF ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong imodernisa ang rice sector at pagbutihin ang katatagan at productivity ng Filipino farmers.
Nagpahayag din si Landbank President Lynette Ortiz ng buong suporta sa pagpapalawig ng RCEF program ng pito pang taon, kasunod ng pagpasa kamakailan ng Republic Act 11954, na nag-aamyenda sa Rice Tariffication Law (RTL).
“Landbank fully supports the RCEF extension towards strengthening our collective efforts to empowering Filipino rice farmers and boosting agricultural competitiveness. This significant step will bolster food security and sustainability, and the Bank stands ready to continue its active role in supporting this initiative,” aniya.
Hanggang October 2024, ang kabuuang pautang ng Landbank sa agriculture sector ay umabot na sa P769.68 billion, na sumusuporta sa mahigit 3.93 milyong maliliit na magsasaka sa bansa.