(Inilabas ng Landbank) P1.51-B PAUTANG SA MAGSASAKA

landbank

UMABOT sa P1.51 billion na loans ang inilabas ng state-run Land Bank of the Philippines sa rice farmers sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (ERCA-RCEF) nito.

Ayon sa Landbank, may kabuuang 9,126 rice farmers at cooperatives ang pinagkalooban ng loans hanggang March 31, 2022 sa pamamagitan ng ERCA-RCEF.

Ipinatupad sa pakikipagpartner sa Department of Agriculture (DA), sinabi ng Landbank na naipamahagi nitong lahat ang inilaang program fund mula 2019 hanggang 2021 sa ilalim ng ERCA-RCEF,  na layong tulungan ang maliliit na rice farmers na makayanan ang pagbagsak ng presyo ng palay, na sinamahan ng mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Landbank,  karamihan sa mga benepisyaryo ay nagmula sa rice-producing provinces ng Region 2, partikular sa  Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino, kung saan natulungan ng state-run lender ang kabuuang 4,189 individual rice farmers at 28 cooperatives.

Natulungan din ng Landbank ang rice farmers sa Visayas at  Mindanao, kabilang ang mga lalawigan ng Capiz, Agusan del Sur, Davao del Norte, at Occidental Mindoro.

“As a vital contributor to the National Government’s sustainable development agenda, LANDBANK remains steadfast in delivering much-needed support to the agriculture sector. Alongside the DA, the successful and timely delivery of loans to rice farmers under the ERCA-RCEF is a testament of this unwavering commitment,” sabi ni Landbank president and CEO Cecilia Borromeo.