(Inilabas ng NDRRMC) BAGONG GUIDELINES PARA SA DISASTER FUND

PINAGTIBAY ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang isang resolusyon na nag aamyenda sa gudelines para sa disaster funds sa layuning mapabilis ang rehabilitasyon ng imprastruktura sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Kasunod ito sa ginanap na emergency full council meeting na nagpapawalang bisa sa guidelines na nakapaloob sa NDRRMC Memorandum Circular No. 1 series of 2024, kung saan prayoridad ang 4th hanggang 6th Income class LGUs at nire-require ang 1st hanggang 3rd Income Class para sa Local Counterpart Fund.

Ang local counterpart fund ay tumutukoy sa portion ng inaprubahang requested fund na kailangang balikatin ng mga lokal na pamahalaan base sa kanilang income class.

Sa nasabing guidelines , ang naturang pondo ay maaaring gamitin para sa pagkumpuni, pagtatayo o rehabilitasyon ng local o national infrastructure anuman ang kanilang income classification dahil mahalaga ang mga ito para sa pagtugon sa mga rehiyong apektado ng kalamidad.

Gagamitin din ang pondo para sa relief, recovery , reconstruction at iba pang serbisyo may kaugnayan sa natural o human induced calamities.

In-adopt ang naturang resolution matapos ang nangyaring landslide noong Pebrero 6 sa Barangay Masara malapit sa isang mining site sa bayan ng Maco Davao de Oro. VERLIN RUIZ