(Inilabas ng SBCorp hanggang noong Pebrero) P5.9-B PAUTANG SA MSMES

MAY kabuuang P5.9 billion ang inilabas ng Small Business Corp. (SBCorp), ang financing arm ng Department of Trade and Industry (DTI), para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) hanggang noong katapusan ng Pebrero, ayon sa president and chief executive officer nito na si Luna Cacanando.

Ito ay bahagi ng PP8.08 billion na inilatag mg SBCorp para sa pagpapatupad ng zero-interest loan Covid-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program.

Ang programa ay bahagi ng  Bayanihan to Recover as One Act, o ang Bayanihan 2, na naglaan ng P10 billion para sa interest-free loan.

Gayunman ay nasa P8.08 billion lamang ang inilabas ng Department of Budget of Management (DBM).

Sa kabuuang inilabas na pondo sa SBCorp, P7.93-B ang inilaan para sa pagpapautang at ang nalalabi ay para sa mobilization at operating expenses ng CARES program.

Ayon kay Cacanando , P4 billion ang inilaan para sa MSMEs sa tourism sector habang P3.93 billion ang para sa multi-sectoral MSMEs.

Aniya, ang  loans para sa multi-sectoral MSMEs ay nagamit na lahat hanggang noong katapusan ng 2021.

Ginawa ng SBCorp ang pahayag kasunod ng report ng Commission on Audit (COA) na 54.96 percent o P4.99 billion lamang ang naipamahagi ng SBCorp para sa CARES program hanggang Hunyo 2021.

Ayon kay Cacanando, kaunti lamang ang nangutang sa tourism at travel sector dahil hindi sila tuluyang makapag-operate sanhi ng travel restrictions.

“The travel and tourism sector has lagged behind the multi-sectoral MSMEs in availing loan assistance from the government due to the effects of the prolonged lockdown in the tourism sector. The uptake of loans from tourism establishments has been very slow due to the series of lockdowns and the general uncertainty that had governed the sector the past two years,” sabi pa niya.

Hanggang end-February, nasa  P278 million lamang ng pautang ang naipalabas sa tourism-related MSMEs.

May P524 million loans ang kasalukuyan nang pinoproseso.

“Who will borrow if they are not allowed to operate? It’s only now that the borrowings are picking up because we just have opened up the tourism sector,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez.  PNA