(Inilalabas sa socmed) DETRACTORS NI PBBM NASA LIKOD NG ‘RECYCLED CRIME’

NANINIWALA si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na “detractors” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa likod ng sunod sunod na paglabas ng “recycled” na ulat ng krimen sa social media.

Paliwanag ng PNP Chief, sa pagpapalit ng gobyerno, natural lang na may mga hindi nasisiyahan at gagawin ang lahat para ipakita na hindi maganda ang nangyayari sa ating bansa.

Ayon sa PNP Chief, inaasahan na niya ito kaya sinabi nito sa Pangulo na kailangan ng anim na buwan hanggang isang taon para “i-stabilize” ang bagong gobyerno.

Anita, hindi lang ang gobyerno at PNP ang apektado sa pagpapakalat ng maling impormasyon kundi ang buong bansa.

Binigyang diin nito, hindi nakakatulong sa pagsisikap ng Pangulo na manghikayat ng dayuhang mamumuhunan sa bansa ang mga maling ulat na nagbibigay ng “impression” na magulo ang bansa. EUNICE CELARIO