Ano ang nangyari sa Pilipinas noong November 18?
Noong panahon ng Spanish-American War, idineklara ng mga rebeldeng Filipino na pinangugunahan ni Emilio Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas matapos ang 300 taon ng pananakop ng Espanya. Nagsimula ang rebelyon sa Luzon, at noong March 1897, ang 28-year-old na si Emilio Aguinaldo ag naging lider ng rebelyon.
Halos kasabay nito ay isinulat ni Apolinario Mabini ang La Revolucion Filipina. Sa kasamaang palad, ang ‘Dakilang Lumpo’ ay nahuli ng U.S. troops noong December 1899 at, dahil tumanggi siyang manumpa ng katapatan sa United States, ipinatapon siya sa Guam, at hindi pinayagang makauwi sa kanyang tahanan hanggang ilang buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang buhay. Namatay siya noog Mayo 13, 1903. Unang nailathala ang La Revolución Filipina noong November 18, 1931. LEANNE SPHERE