INILIGTAS ANG 2 KAANAK SA ILOG CHIEF TANOD NALUNOD

nalunod

ISABELA – PATAY ang isang chief tanod nang tangkain nitong sagipin ang dalawang kamag-anak na nalulunod sa Cagayan River subalit tinangay ito ng malakas na agos ng tubig at napunta sa malalim na bahagi ng ilog  sa Furao, Gamu ng nasabing lalawigan.

Ang biktima ay nakilalang si Thomas Baguiran, 62-anyos, may asawa, at residente Barangay Furao, Gamu, Isabela

Sa imbestigasyon ng Gamu Police Station,  nagtungo ang biktima  sa tabing-ilog partikular  sa quarry site  kasama ang kanyang mga kamag anak upang doon ganapin ang kaarawan ng isa nilang kapamilya.           Habang nagkakasayahan ang magkakamag-anak kasabay ng inuman ay may ilan na nagtungo sa ilog para maligo.

Habang naliligo ay sumigaw ang mga ito dahil nalulunod ang dalawa nilang kasama kaya sumaklolo si Baguiran ngunit tinangay siya ng malakas na agos ng tubig.

Mabilis namang sumaklolo ang iba pang mga kamag-anak upang iligtas ang tatlong nalulunod at nailigtas naman ang dalawa subalit bigo nilang masagip ang biktima.

Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga kasapi ng Dart Rescue 831, Gamu Police Station at  mga kamag-anak upang mahanap ang katawan ng biktima na agad na dinala sa ospital  subalit idineklarang dead on arrival. IRENE  GONZALES

One thought on “INILIGTAS ANG 2 KAANAK SA ILOG CHIEF TANOD NALUNOD”

  1. 479894 225066Ive applied the valuable points from this page and I can certainly tell that it gives a great deal of assistance with my present jobs. I would be very pleased to keep finding back in this web page. Thank you. 553099

Comments are closed.