INILUNSAD kahapon ng Department of Agriculture (DA) ang Agri-Puhunan at Pantawid Program na naglalayong magbigay ng murang pautang, tulong pinansiyal at suporta na makapagpapataas sa produksyon ng bigas at makapagbibigay ng tulong upang matiyak na may mapagbebentahan ng produkto ang target nitong 1.2 milyong magsasaka na matulungan sa bansa.
“We will provide our farmers with the financial resources needed to pursue their vocation.This initiative will extend credit to farmers for seeds and other inputs, crop insurance, subsistence allowance until harvest, and ensure a ready market with the National Food Authority(NFA) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD)for a predetermined volume and income,” sabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Pinangunahan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng programa para sa mga rice farmer-member ng agricultural cooperatives na sumasaklaw sa 1.2 milyong ektarya ng palayan sa buong bansa.
Sinimulan itong inilunsad sa Gumba, Nueva Ecija, na itinuturing na rice granary ng bansa.
Target ng programa na mapalago ang produksiyon at kita ng mga magsasaka.
Para sa dry cropping season ng taon (2024-2025), sinabi ni Laurel na layunin ng programa na mag-alok ng credit facilities o murang pautang na kailangan sa pagsasaka ng humigit-kumulang 50,000 ektaryang palayan na sinasaka ng mga rice farmer at mga kooperatiba nito.
Paliwanag ni Tiu Laurel, sinimulan na rin ang ganitong programa sa ilalim ng National Irrigation Administration (NIA) sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS), Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS), at NIA systems para sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa paglulunsad ng APP program, ipinaalam ni Marcos sa tinatayang 5,000 magsasaka ng Gumba,Nueva Ecija na nagtipon-tipon sa naturang kaganapan na ang DA at Development Bank of the Philippines (DBP ) ay nakakuha ng P3 billion na.pondo na maaaring mag-finance sa mga pautang na mababa ang interest at subsistence allowances para sa mga magsasaka.
Ayon kay Tiu Laurel, ang APP program ay naka-align sa mga layunin ng Marcos administration para gawing kaiga-igaya ang pagsasaka upang makaakit ito ng mga mamumuhunan, at makahikayat ng bagong henerasyon ng mga magsasaka na magpapatuloy ng sektor ng agrikultura na lubhang kailangan para sa seguridad ng pagkain sa bansa.
Lumagda na rin, aniya, ang DA sa isang kasunduan sa Planters Products Inc. at Development Bank of the Philippines (DBP) upang maayos na maipatupad ang naturang programa. Inaasahan niya na susunod na rin ang ibang ahensiya ng pamahalaan sa nasabing inisyatiba mapabuti ang kalagayan at kabuhayan ng nasa sektor ng agrikultura para sa seguridad ng pagkain ng bansa.
“We envision this program as a self-sustaining initiative that will finally unlock the potential of the agriculture sector, which provides two out of every ten jobs in the Philippines but contributes less than ten percent to the gross domestic product. We are hopeful that this initiative will be a game-changer for the sector and those who depend on farming,” sabi ni Laurel.
Paliwanag ni.Laurel, ang inisytatibang ito ng DA ay dinisenyo upang maresolba ang hamon na kinakaharap ng mga magsasaka, lalo na sa usapin ng pamumuhunan, pinansiyal at tumataas na halaga ng farm inputs at isyu ng marketability at.market instability.
Sa APP program, mag-aalok, aniya, ito sa mga.magsasaka ng enhanced credit facilities, lalo na sa kasalukuyang sumasailalim sa interbensyon uoang makabili ng purchase seeds, fertilizers, pesticides, at ameliorants, at upang makabayad sa.mga serbisyo sa pamamagitan ng PPI-accredited merchants.
Sa pamamagitan ng APP Program, ang farmer-beneficiaries ay magkakaroon ng access sa financial assistance, abot-kayang farm inputs, at essential inputs, gayundin ng market opportunities upang.labor na lamang ang aasikasuhin at iisipin ng mga magsasaka. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia