NAGLUNSAD ang Department of Energy (DOE) ng contigency plan sa oras na tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Greater Metro Manila Area.
Ayon sa DOE, titiyakin ng National Energy Contingency Plan (NECP) na ang energy sector ay mananatiling handa para sa anumang sakuna tulad na lamang ng “The Big One”.
Layunin ng NECP na iprayoridad na matuloy ang mga pasilidad at mabilis na pagtugon sa mga epekto sa domestic socio-political stability.
Samantala, sa pamamagitan ng Task Force on Energy Resiliency (TFER) sa pumumuno ng DOE, ang magiging responsableng organisasyon sa sektor ng enerhiya upang tumugon sa sakuna.