(Inilunsad ng FDA) TASK FORCE VS BIRD FLU

INILUNSAD ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang task force para matugunan ang Avian Influenza o bird flu.

Ayon sa FDA, ang Task Force Alectryon na pinamumunuan ni Director General Samuel Zacate ay naghahanap ng proactive approach laban sa Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) virus sa pamamagitan ng pagpapatupad ng control strategies, tulad ng bakuna.

Susuriin at ia-assess ng task force ang gamot at bakuna na  “ligtas, mabisa at maganda ang kalidad” upang malabanan ang pagkalat ng “potentially lethal virus.”

“The FDA fully supports the administration’s program to help the local poultry industry and ensure the availability and affordability of poultry products and its by-products; all for the purpose of attaining  food security,” sabi ng FDA sa isang statement.

Hinikayat din ng FDA ang  veterinary pharmaceutical industry na magsumite ng applications para sa Avian Influenza (AI) vaccines upang suportahan ang pagsisikap na labanan ang HPAI.